Saturday, June 4, 2011

Tutorial: Paano itago ang Status Update mo sa ibang tao??

Konting tutorial muna tayo.. 


Gusto mobang itago ang "status update mo" sa Facebook mula sa ibang tao? May status ka bang ayaw mong mabasa ng kagalit mo? O baka magselos ang girlfriend mo? Try this..


Kapag ginamit natin ang General privacy setting, pwede nating mapili kung "everyone", "just friends" o "friends of friends" ang pwedeng makakita ng ating status updates..
Alam mo ba na pwede pa nating paliitin ito at itago ang status mo from specific friends? (Friend mo sila pero ayaw mong mabasa niya ang status mo, bakit? hehehe)


Pwede mong mapili kung sino lang ang pwedeng makakita ng status mo.. Mabuti ito lalo na kung may binabalak kang surprise party  o kaya naman ay related sa work ang status mo..


Step 1: Click the "what's on your mind" box... May lalabas na padlock icon sa ilalim nito.
Step 2: Click the padlock icon.. May lalabas na drop down menu. Piliin ang "customize" option.
Step3: Click Customize.. Kapag pinili mo ito, maglalabas pa ng option  na "make this visible to" at "hidden from"


There you go.. Isa pong tip para sa mas episyenteng paggamit ng facebook..
Enjoy lang!

Wednesday, June 1, 2011

Bata! bata! Paano mo ginawa??

Oops! Ops! Ops! Wag madumi ang isip! Hindi related sa paggawa ng bata ang blog kong ito.. hehehe Tungkol ito sa mga ugali natin nung bata pa tayo.
Lahat naman tayo eh dumaan sa pagkabata di ba? (Putek! Obvious naman, tinatanong pa, san pa ba tayo galing?)
Dedicated ang blog na ito sa mga batang late 70’s, 80’s at 90’s.. Yung mga tinatawag nating "old school".. (nice, meron bang new school? wala naman yata..)
Nung ikaw ay bata pa.. Ginawa mo ba ang mga ito?
-          Nagpipitpit ka ba ng gumamela para gawing soapy bubble at magpalobo?
-          Kung oo ang sagot mo sa unang tanong, gumamit ka ba ng pinutol na dahon ng papaya para magpalobo? Ginamit mo rin ba ang alambre para gawing hugis bilog at magpalobo?
-          Nagpipilitan kayo ng nanay mo na matulog ka sa hapon para lang matulog? Kunwari nga matutulog pa para lang makalusot?
-          Kabisado mo ang kantang “Alagang- alaga namin si Puti” at “Tinapang Bangus”
-          Alam mo kung para saan ang up, up, down, down, left, right, left, right, a, b, a, b, select, start?
-          Alam mo kung ano ang “Time Space Warp”  at kabisado mo ang chant para dito.. Minsan sinasabayan mo pa ng sayaw..
-          Nakahawak ka na ng 5.25” Floppy disk
-          Adik ka sa Bioman, shader, carebear, rainbow bright, maskman, black rider mask, at ewoks.
-          Kilala mo si “lilipad, lilipad, takure!”
-          Paborito mo ang shaider hindi dahil sa magaling sumipa si Annie.Kundi dahil nabobosohan mo ang puting panty niya twing sinisipa niya ang kalaban.
-          High-tech ka na noon pag may Atari o kaya ay family computer ka.
-          Alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng puno para bumili ng panty... and syempre, alam mo rin kung ano ang binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?
-          Paborito mong ngatngatin ang Bazooka, Texas at Tarzan tapos ididikit mo sa mga butas ng bubong niyo..
-          Alam mo yung kending hubad o pandelimon  ang tawag..
-          Alam mo kung ano ang betamax..
-          Lumaki ka sa kantang “Tong, tong, tong, tong, pakitong-kitong” na hanggang ngayon ay naniniwala ka na nangangagat nga ang alimango.. Diba’t naninipit lang yun?
-          Nakatawag ka na sa payphone na gamit ay tatlong beintesingko lang..
-          Alam mo yung mga komiks na Aliwan, Wakasan, Filipino at Funny komiks.
-          Sinisipsip mo yung nectar ng santan.
-          Pinaglalaban mo yung dalawang langgam na hantik pagkatapos mo tanggalan ng antenna o sungay.
-          Nagkaroon ka ba ng mahabang lapis na naliliko o bendable?
-          May stationery collection ka..
-          Mahilig kang magpapirma ng slum notes dahil gusto mong malaman kung sino ang crush ng crush mo..
-          “Aquanet” ang gamit nio noon para pataasin ang bangs nio..
-          Alam mo ang mga larong patintero, taguan, telebers telebers, piko at luksong baka..
-          Kapag tinanong ka kung ano ang sabong panlaba nio, sasabihin mo “Ajax”!
-          Alam mo kung ano ang Game & Watch at brick game
-          Alam mo kung pano mag-100 up lives sa super Mario..
-          May wooden trolleys ka ba noon? Yung kahoy na ang mga gulong ay gawa sa bearings?
-          Binabaon mo salupa ang mga teks mo dahil gagamitin mo pa ito next year..
-          Naniniwala ka na nanganganak nga ang “kisses” kapag binalot sa bulak.. Lalagyan mo pang ng baby oil para mabilis manganak..
-          Nakakain ka na ba ng “aratiles”?
-          Ginagawa mong yoyo ang bayugo?
-          Naglaro ka ba ng bahay-bahayan? Nanay-nanayan at tatay-tatayan?
-          Luto-lutoan? Gamit pitsa ng softdrink tsaka kandila sa pagluluto?
-          Pinapagulong at hinahabol  mo rin ba ang lumang gulong ng mga motor habang pinapalo ito hanggang sa mapagod?
-          Ginagawang kotse-kotsehan ang lumang bote ng alcohol..
-          Naglalaro ng baril-barilan na ang playground eh ang buong baranggay nio?
-          Pag-uwi mo ng alas sais ng gabi, sinasabihan ka ng Nanay mo na “Gabi na amoy araw ka pa rin, hala! Maligo ka nga!”
-          Marunong kang mag-sungka..
-          Alam mo kung ano ang kadang-kadang.. Minsan gawa sa kawayan, minsan sa bao..
-          Nagkaroon ka ng sapatos na mighty kid..
-          Kumain ka na ba ng nutribun na may palamang cocojam?
-          Kumukuha ka rin ba ng dahon ng balinghoy/kamoteng kahoy at gagawin mong kwintas o bracelet?
-          Kinalog mo na rin ba sa kamay ang watusi na may sindi?
-          Naglalaro ka rin ba ng sipa na gamit ay tingga at plastic?
-          Gumawa ka na rin ban g saranggola na ang pandikit ay kanin?
-          Siempre , alam na alam mo rin ang Voltes 5 at kilala mo ang mga pangalan ng members nito..
-     Alam mo kung ano ang bayag-kambing at kung para saan ito..
Nakakatuwang balikan ang nakaraan, ano po?