Monday, July 25, 2011

SONA ni P-noy... After thoughts...

Daming protesta sa ikalawang SONA ni P-Noy..

Ang baba ng bigay nilang grado.. Bagsak raw..
Panay ang hanap nila ng "visible" na pagbabago...
Wala raw nagyayari.. Walang raw nagagawa.. Sayang raw ang boto..

Unang-una, hindi ako maka P-noy... Hindi ko siya idolo at lalong hindi niya ako tuta...

Pero nakakasawa at nakakatawa na ang ating mga kababayan.. Ano ang magagawa ng kanilang mga protesta? Ano ang magagawa ng kanilang "over-acting" na pagpapapansin?
Lalo lang tayong nagiging katawa-tawa sa paningin ng ibang bansa..
Tsk...tsk..tsk...
Ano pa ang hinahanap nila? Himala? My goodness naman.. Isang taon pa lang naka-upo ang tao...
Wala pa rin daw makakain sa hapag-kainan ng mga Pilipino..Wala pa rin daw trabaho...
Wala pa rin daw pagbabago... Wala pa ring.. ah ewan... Ako nga rin, wala pa rin...

WALANG MAKAKATULONG SA ATING SARILI KUNDI TAYO RIN..

Sabi nga ni Donya Buding na biyenan ni John Puruntong - "Magsumikap ka!"

Iwasan natin ang "SPOON FEEDING"...
Alam nyo na siguro kung ano ang spoon feeding? Kung hindi pa, i-google mo.. Wag hintaying isubo pa ang sagot.. Getz??  Hindi tayo mga bata na kailangan pang subuan...

Ang kinabukasan natin ay wala sa balikat ng Pangulo.. Ito ay nasa balikat ng bawat isa sa atin..
Andyan lamang siya upang maging gabay.. Tayo pa rin ang gagawa ng ating "TUWID NA DAAN"..

No comments:

Post a Comment