Wednesday, August 21, 2013

Philippine Network Operator's Prefixes (Globe/TM/Smart/TnT/Red Mobile/Sun Cellular)

Philippine Network Operator's Prefixes (Globe/TM/Smart/TnT/Red Mobile/Sun Cellular)

Hi fellas, this is a compilation of the prefixes used by network operators in the Philippines today..

I will have this updated as much as I can. Hope this helps..

GLOBE / TM
0905
0906
0915
0916
0917
0925
0926
0927
0935
0936
0937
0996
0997
0817 (newest)


SMART / TnT
0907
0908
0910
0912
0918
0919
0920
0921
0928
0929
0930 (also used by Red Mobile)
0938 (also used by Red Mobile)
0939 (also used by Red Mobile)
0989
0999
0946
0947
0948
0949
0813 (newest)

RED MOBILE
0930 (also used by Smart)
0938 (also used by Smart)
0939 (also used by Smart)


SUN CELLULAR
0922
0923
0932
0933
0942
0943

Taga - Alfonso, Cavite ka kung...

"Ba naman ahuy ih nanggagaru-garu iri! Di naman ahuy inaano ih!" 

Yan kadalasan ang maririnig mo isang batang laki sa bayan ng Alfonso kapag inaaway ng kalaro niya.

Taga-Alfonso, Cavite ka kung alam mong gamitin ang mga salitang ito.. 

Ang talasalitaang ito ay alay, hindi lamang sa lahat ng kasapi, kundi sa bawat indibidwal na tumatangkilik sa pahina ng taga Alfonso Ahuy! sa peysbook (https://www.facebook.com/groups/148763911521/)

Ang talasalitaang ito ay naglalaman ng mga salita na taal sa mga mamayan ng Alfonso..
Kasama na rin ang mga salita na bagama’t naririnig natin sa karatig –bayan ay masasabi pa rin nating Alfonso Ahuy pa rin..

Magtulungan tayo para ikalalago ng talasalitaang ito..Bukas para sa lahat ng suhestyon, karagdagan at pagtatatama..

Kakang Masi: "Hindi pa iri tapus.. Karami ba naman.. Pakau-kaunti laang at pasasaan ba’y matatapos rin iri.."

pinasimulan ni Neil Crispe, apo ng kakang Biyang na asawa ng Masi na magkokopras, taal na taga-Alfonso ahuy!....

Ahuy - isang expresyon na  taal sa mga taga-Alfonso.
              var: Ahoy
- kase; kasi. Parang "taga-Alfonso ahuy" meaning, taga-Alfonso kasi
Alibadbad - nakakadiri na nakakainis
Alis-is - alinsangan
Alagwa - isinisigaw kapag nakabaliksa homebase sa patintero
Aldaba - padlock
Aruysuy – kadalasang tawag sa mga seksi at magaganda
Al-al – sumabat sa usapan; katulad rin ng “ulaud”
Aliasud - ulaud; al-al; aslad; katalamitam; always involving one self
Alibuybuyin - ligawin
Aligaga – di mapakali; excited
Alik-ik - pinipigilang pagtawa
Aliparo - paru-paro
Alipato - itim na piraso na galing sa apoy na lilipad lipad
Aliswad - patuwad-tuwad maglakad
Aliswag - malikot; di mapakali
Altares - kinabukasan ng isang okasyon; halimbawa - kinabukasan ng pista
Ampiyas – mahinang mahinang ulan; talsik ng ulan na pumapasok sa bintana
Amus - dumi sa mukha
Antabay - abang
Andot - bigay; abot
Antimano – sa simula pa lang
Antipara - gasera; perok-perok
Apanas - Maliit na langgam. Kadalasang makikita sa asukal. Mabaho kapag pinisa. 
Arganas - bagahe; mga bitbitin; dala-dalahan
Arimuhanan - Nakatipid
Aritis - hikaw
Aruysuy - maganda; seksi; hot
Asyuti - Atswete
Atag - lagi
Atag na - palagi na
Atangya - mabahong insekto
Atuga - gawin; hal - "wala ka ng inatuga kundi mag-teks"
Atugak - palahaw na ng iyak
Awas - (1) puno na
(2) ibawas
Bahiti - walang-wala; "poor"
Ba naman – isang expresyon sa Alfonso; kadalasan ay karugtong ng “Ahuy”
Banaman ahuy – isang ekpresyon na pinagsama ang “ba naman” at “ahuy”
Babag - Away; Suntukan
Babagan – maliliit na bunga ng langka
Babaysut - batang babae
Balanugin - sundut-sundutin
Balatong - munggo
Balawbaw - apaw sa plato o mangkok ang pagkain
Balinguso -ubos agad at hindi napapaso sa bagong kulong kape
Bandoy - maloko; pilyo; hangus
Bano - inosente; katulad rin ng "sano"
Banil - libag sa leeg
Bangkalang - bubuli
Barak - uri ng halaman na katulad ng luya; Ang bulaklak nito ay ginagamit sa paalay kapag Flores de Mayo
Baraka - (1) pamilihan; palengke
              - (2) isang uring ng hdamo sa gubat na ang lamang ugat ay katulad ng luya
Bartikal - bumaligtad
Basaysay - bahay
Bayakid - sumabit ang paa; natisod
Bay-awang - bewang
Baynusan - punasan ng maligamgam ng tubig
Bayugo – buto galling sa puno ng gugo
Bakin – bakit
Bakli - bali
Baynusan - basain; mabilis na palgo o linis; buhusan pero di marami
Bayuot - gusot; tupi; yupyup
Bikaka - bukaka
Bikil - pagbukol ng laman o muscle  kapag nasuntok o nadagil, nawawala rin naman
Binggagay-un – pinaikli ng “Bakit ga gay-un”
Bingaw - bungi; madalas tumukoy sa mga itak o kutsilyo
Bisaklat - naka upo ng basta na lang at nakabukaka
Bisting-bisti - bihis na bihis
Bitiis - binti
Boka-boka – maliit na saranggola na yari sa papel. Wala itong balangkas.
Buksi – buksan; pinaikli ng “buksan iri”
Bugnoy – hinog na mangga
Bug-ong - baon na pagkain sa school o trabaho
Bugnot - pikon
Bu-og - tulog
Buga - madilaw ng putik o lupa; mainam gawing clay
Bulaan – sinungaling
Bulaanan – kwentuhan na pawang kasinungalingan
Bulindasin - madaling mapikon; hanap agad ng away
Bulus - Pagkuha ulit ng pagkain pagkatapos makaubos ng isang pinggan
Bulyo – plastic na lalagyan ng tubig; naglalaman ng 20litro na likido
Burisngal - papalabas ang tubo ng mga ngipin
Buringaw - huni ng pusa, kadalasan pag naglo-love making
Busangot - nakasimangot; di maipinta ang mukha
Busilig - mata
But-u - Buto
Bungot - bulong kapag pinagagalitan; katulad rin ng "nguto"
Bungol - bubot na kabute o mamarang
Buriklat - Buksan
Burnik - balahibo sa pwet
Busarga – putok o sabog; eg..” busarga ang nguso”
Busong - ito ang mangyayari sa kamay mo kapag nag-aaksaya ka ng pagkain
Buyangkad - basta na lang naka-upo; kadalsan ginagamit sa kababaihan; maaaring galing sa "nakaBUYANGyang ang namumuKADkad na ewan"
Cuartamuneda - wallet; pitaka
Dagasa - nagmamadali
Dag-is - Iri o daing
Dagubang - Malakas
Dagunos - ingay o yabag ng nagmamadali
Dagu-uk - tunog ng nadagukan; "ugh"
Dais - tabi; dikit
Dangan - kung hindi
Di makurapdapan - di makita
Dalirot - tusukin ng daliri; pwede ring "hawakan ng mga daliri"
Dasdas – pag-alis ng damo sa pamamagitan ng asarol
Dasto - pagkopya ng drowing sa pamamagitan ng pag-"trace" sa ilalim ng papel
Gab-I - gabi; night
Gagad - nagmamadali
Gagautan - dala-dalahan; bitbit na gamit; katulad rin ng arganas
Gaud – punta
Galay – makasagi o makatama ng iba; "nagalayan ng bala"
Galapong - giniling na malagkit na bigas
Galbok - alikabok
Galgal - very lousy; stupid; katulad rin ng "tuga" at "gigi"
Gar'ne - ganito; pinaikli ng "ganire"
Gasu - katulad rin ng "hangus"
Gay-un – Ganun
Gitata – basang basa; ex.. “nanggigitata sa pawis”
Gulamot - kamay
Gurdo/Gurdu - Abalahin o istobohin
Guri - Bura
Guyam - langgam
Hagayad - nasayad
Haginit - muntik na; daplis
Hakubi – ipon
Halarukay - paikot-ikot ng walang kawawaan
Halihi - tawa ng tawa
Halhal - hingal na hingal sa pagod
Hangus - pilyo; masiwal
Haplit - palo; kadalasan ay gamit ang patpat o sinturon
Haplut - punasan ng basang basahan
Haruba - going around foolishly
Hasping haspi - suklay na suklay ang buhok na parang hinimod ng baka
Hibahib - pagod na pagod na parang mamamatay
Hingkod - pilay; "hingkod kung maglakad"
Hirat - tuwang tuwa sa kamalasan ng iba;' belat' sa taga maynila
Hirul – ikot sa sakit; di mapakali dahil sa sakit
Himatlugin - Lunggukin; galing sa salitang "himas itlog"
Himumuki - higad; katulad rin ng "tilas" at "hinlalayon"
Himbabao - Bulaklak ng punong kahoy (himbabao) na ginugulay.. Kamukha ng uray..
Hinlalayon - higad; katulad rin ng "himumuki" at "tilas"
Hinlulumbo - bubuyog
Hinaw – hugas ng kamay
Hiriklay – nalalambot
Hiriklat - napunit o nabuksan
Hitad - babae
Hilahod - hirap na hirap
Huntahan – kwentuhan
Hunos - benta ng ani
Hupyak - nakalubog; payat
Huwepe – ilawang de gaas; katulad ng “perok-perok”
Ika'mo - pinaikli ng "wika mo"
Ibayakis - (1) itupi
              - (2) itali
Iki - pinaikli ng "ikaw ay"
Ikid - ilagay ng paikot; katulad rin ng ikit
Ikit - ikot; katulad rin ng ikid
Imis - linis
Ina-aturga - ginagawa; pinagkaka-abalahan
Ire / iri - ito
Irit - matinis na sigaw o tili
Irok - kaong
Isod – usog; to move
Iswad – tuwad
Ilat – natuyong ilog o sapa
Istima - Asikaso
Iyais - Impeksyon sa singit at kili-kili; tinatawag ring "hadhad"
Kabalyas - isang uri ng "shoulder bag" na ginagamit ng mga magsasaka
Kampit - Kutsilyo
Kangkarot - magaslaw; ikot ng ikot; di mapakali sa isang pwesto
Kalis - (1) kamay at braso
        - (2) kopita, lalagyan o "vessel"
Kalumismis - sigarilyas
Kara-karaka - agad agad; walang sabi sabi
Katalamitam -  palaging nakikisabat o nakikisali; katulad rin ng "kaaliasud", "kaal-al", "kamati-mati", "kadakdak" at "kaalam"
Katak - salita ng salita; dakdak ng dakdak; pwede ring mahinang pagsasalita habang pinagagalitan ni inay
Katingot - napakaliit na piraso; katulad rin ng "kapiranggot"
Katimon - pipino
Kapararakan - kwenta
Kapuy - antok na antok pa
Karay-karay - hila-hila; kasama
Kayakas - "Palapa" ng niyog
Ka-ut-utang dila - kakwentuhan
Karibok - kagulo
Kawkaw - toying on water or liquid
Kinukuribdib - "nervous"
Kiri - landi
Kleyber - laro ng mga bata; ginagamitan ng bola at kailang patamaan ang kalaban
Kubabaw- umibabaw; pumunta sa ibabaw
Kubatso - maliit na kubo, pahingahan sa bukid
Kukuti - ulo; utak
Kutigtig – nanginginig; kadalasan ay dahil sa lamig
Kutata - kwento; tsismis
Kutabtab - nanginginig; kadalasan ay dahil sa lamig; katulad rin ng "kutigtig"
Kulinggian – naglalandian este naglalambingan
Kumpay - damong inipon para pakain sa damulag
Kukurikapu - libag sa ilalaim ng dede ng babae
Kuringo - mumu, maok
Kurta -
Kuruk-kuruk - insecto na nagtatago sa galbok o alikabok at paatras kung pumasok sa alikabok
Kuyukot - butas ng puwet (anus)
Kusi - luto
Kwitib - Langgam; Hantik
Lag-uk – Lunok ng tubig
Lalaksut - batang lalaki
Lapnis - manipis na saha ng saging; ginagamit na pantali sa suman, sako, sinturon atbp..
Liwag - bagal
Maliwag - mabagal
Labatiba - sundutin
Labug - sobra sa luto; pinalalambot ng maigi
Lagunus  - mabilis na pagkahulog
Lambog-lahok - naghalo-halo na; nagsama-sama na
Latok - mababang lamesa
Lamukot - laman ng langka
Lamyerda - gala ng gala; pasyal
Langaray - nanglalata sa pagod
Lanubo - hampasin ng tubo; paluin ng sanga o stick
Lapirot - dalirot
Lasutsot - lamukot ng langka na hinog na hinog na; nasobrahan sa hinog
Latiti - nagdumi na; namutik na; "mess up"
Liban - tawid
Liwag - bagal
Liyo - hilo
Losa – plato na yari sa plastic
Luglugan – banlawan
Lungangi - nanlalambot na nakayuko ang ulo
Lulon - (1) lunok
           - (2) Itupi t iligpit; eg.. "lulonin ang pinaghigaan"
Lumbu - tabo
Lupagi - Umupo sa lupa o sahig habang nagmamaktol
Mamahaw - kainin ang kaning lamig o bahaw
Mangkal - maga
Mamamaraka - mamamalengke
Mamuti - mamitas
Maganit - kabaligtaran ng "madulas"
Magpa-anyo – maghanda; eg.. “magpa-anyo ka muna ng pagkain sa bahay”
Mata-ib – gabi na at mahamog
Mariguso – ampalaya
Makatimangyaw – makakwentuhan; makahuntahan
Makikislut - malilikot
Makurapdapan - makita
Manunupot - kidnapper
Manganganak-ahas - prying mantis
Mangkal - maga
Masda - bus
Matangas - "sarcastic"; suplada
Matildugan - engrande
Miski - kahit; maski
Minumuko-muko - di mo akalain
Mual na mual – puno ang bibig
Mugaga – marumi, nagkalat
Mura – buko
Nabulid - nahulog
Nadamusak - napagtapakan o nagulungan
Nagtingkuro - natumba patalikod habang nakaupo: pwede ring napahiga habang naka-upo
Naka-ungkot - nakaupo; katulad din ng nakatalungko
Nangka – Langka
Nabayakid – natisod
Nabital-ukan – may bumara sa lalamunan; katulad ng “nahirinan”
Nakakatusing - nakakahilo ang amoy
Na-ulili - nalito; na-"confused"
Ngasab - unethical chewing
Ngabngab - pagkagat na malaki
Nguto - bulong kapag pinagagalitan; katulad rin ng "bungot"
Ngibit -
Niri - nito
Pasyud – pasyal; punta; katulad rin ng “gaud”
Pandarawisaw - tumutukoy sa "butotoy" ng mga lalaki
Paluwas - papuntang Maynila
Palyok – palayok
Palapa - "kayakas" ng niyog
Paisu-iso – papetix –petix; katulad rin ng “payangi-yangi”
Pagukpok - hammering sounds
Pakuya-kuyakoy - pagalaw-galaw ang paa
Pandalas - nagmamadali
Pang-al – Kagat
pangal - itak na mapurol at kalawangin na
Panit - Balat na namumula; gasgas
Pantus/Paltus - "Blister"; namuong tubig sa loob ng balat dahil sa paso o "panit".
Papagayo - saranggola 
Parag-an - naka -"tuck -in" ang damit
Parati - palagi; madalas
Paiti - maliliit na kuhol; patulis ang hugis nito
Patikad - lakad-takbo; nagmamadali
Pati-album - pag-"dive"sa tubig na may malakas na talsik ng tubig
Pati-anak - tiyanak; maririnig ang iyak nito kadalasan kapag ala-sais ng gabi
Patlay -malilit na isda na makikita sa ilog; mahilig raw kumain ng tae
Payapay - kaway ng pagtawag
Perok-perok – ilawang de gass; katulad ng “huwepe”
Pinggahan – pambuhat sa “bulyo” o timba na kadalasan ay yari sa kawayan
Pikloy – namaga ang labi dahil sa suntok pero hindi pumutok
Piing na Piing - mahigpit na mahigpit
Pispis - walis
Pispisan - walisan
Pilandot - bigla na lang lumabas
Pilipisan - patilya
Pirait - nayupi dahil naipit sa dalwang matitigas na bagay
Piringkot - "dent"; nawala sa porma
Pirmi - (1) lagi
           - (2) tigil
Piritay - red lady, oppsite of white lady
Putpotin - talbusan
Puil - pwet ng manok
Punsyunan - handaan
Putut – nahuhuli
Purarat - takbong matulin at bigla
Pugal – tali; eg.. “ipugal ang baka”
Puhag
Pulaw - pagpupuyat sa lamay sa patay
Pulas - bangon
Purunggo - bubog, basag na salamin o bote
Pusaw - pusali; putikan
Puswelo - tasa
Sagalsal - marami; malakas; hal: "sagalsal na ang ubo"
Sagitsit - tunog na nalilikha kapag nagpiprito o pagpreno ng gulong
Saknong - 
Salab - idarang sa apoy
Salisud - katulad rin ng "bayakid"; tapilok
Saludsod - paglilinis ng damo gamit ang itak
Salubsob - natinik ang daliri
Sano - inosente; katulad rin ng "bano", promdi
Samuul - magsubo ng malaking bagay sa bibig; pwede ring samual
Sigpaw - panungkit ng prutas, kadalasa'y yari sa kawayan
Sinsay - mag-iba ng ruta at dumaan muna sandali; pasyal; "liban"
Sinsin - maimis ang pag kayari
Singkaran - ikaw na, da best ka!
Singkaw/ Pingkaw - bali ang braso
Sipak - mabali o maputol
Silam - napasukan ang mata ng tubig o usok
Silarit - malakas na tilamsik o pagsirit
Sinigi - sinumpong; sinipag
Sipi - kopya
Sirok – pag-“dive” ng matulin; kadalasang ginagamit sa saranggola
Siwal - yabang
Sual - hukay
Subi - tago; tabi
Subasob -nadapa ng una ang mukha
Sulasod - Itak na nakaliko na ginagamit na pang-alis ng damo
Sumbi - Sungingiin sa labi
Sumping - ayos ng buhok ng mga lalaki
Sunong –pagdadala na nakapatong sa ulo
Sungaba – masubsub na unang tumama ay baba (chin)
Sungingi -
Suklo – pilay sa daliri ng kamay
Sual – hukay; pry open
Supo - tanching; tatching
Sura - iyamot; asar
Sutsut - sitsit, tawagan sa pamamagitan ng pagsitsit
Tata – may gatla na ang goma ng tirador
Tabay - "to make ends meet"; ex.. "kaunti na laang tira sa sweldo ko pero tabay na ire hanggang sa sahod"
Tabtab - uka
Tabtabin - ukain sa pamamagitan ng itak o kutsilyo
Tag upin - tagpuin; patungin
Takin - tahol; Ex.. "takinan" na ang mga aso
Takpi - takipan; lagyan ng takip
Talungko - nakaupo na nakataas ang tuhod at nakapatong ang baba sa tuhod
Talda - tigil
Talisod - Tisod; sumabit ang paa
Talita - mali ang pagkakasuot ng sapin sa paa. Yung pangkaliwa ay nasa kanan at yung pangkanan ay nasa kaliwang paa
Taltak - tsk..tsk..tsk..tsk.. (ganyan ang tunog ng taltak..)
Tambulukan - bulok na "babagan"
Tangkas – dala-dala
Tanghod - abang
Tangan - hawak
Tangwa - gilid ng bangin
Tarangkahan - gate
Tayud - Kwadradong tela na g inagamit na balutan ng mga bagay
Tilandoy - nilalandi ang pag-ihi
Tingkoraw – tingnan ko raw
Tingloy - "Amor seco"
Tingkuru - natumba; bumaliktad sa pagkakaupo
Tingni - pinaikling salita ng "Tingnan mo"
Tibo - tinik
Tikin - panungkit; kadalasan ay gawa sa kawayan
Tiklis - Kaing
Tikmi - pinaikli ng "tikman mo iri"
Tilas - higad; katulad rin ng "hinlalayon" at "himumuki"
Tilarok - talsik na palayo. Hal. tilarok ng suka
Tilos - tulis
Tilanduy - Pinalalayo ang ihi(lalaki)
Timangyaw - di magpangita; di magkatimangyaw = di magpangita
Tintar - tipid
Tinumis - dinuguan na ang ginamit ay lamang-loob ng baka
Ti Mumi - ina nina Miguel, Pong at Tura (RIP)
Tubal – maruming damit
Tuga - very lousy; stupid; katulad rin ng "galgal" at "gigi"
Tuklong - Simbahan sa barrio; kapilya
Tumali - tumigil; pumirmi
Tumamok - tumahimik at magmukmok
Tungkab – tanggalin sa pamamagitan ng isang stick o disturnilyador.
Tungku - Patungan ng malalaking kawali or Tulyasi
Ukba – Ukit
Ukyabit – akyat
Ulaga – na-“shock”; natanga
Ulahipan - alupihan
Ulandis - langgam
Ulaud – Sumabat sa usapan; katulad rin ng “al-al”
Ulbo – kulungan ng baboy
Ultok - tanga
Ulyabid - bulate sa tyan
Umis - ngiti
Undras - Undas
Ungis - marumi; madalas na tumukoy sa maruming mukha; may amos
Unsoy - wansoy; kamag-anak ng celery at kinchay
Unyang - malalaking langgam; hantik
Upus - lampas ulo ang lalim ng tubig
Uray - damo na may bulaklak na katulad ng himbabao; matinik ang halamang ito.
Uraba - agad agad
Urumpol - marami, sunod-sunod, mabilis
Urnuy - luku
Usong – pagtulungang buhatin
Uta - Umay sa pagkain
Utdo - maiksi; maigsi, maikli
Utlaw - silip
Uyo / Uyu - galing sa niyog; mainam na panggatong
Yagyag - matulin o mabilis na paglakad
Yamas-yamas - tira-tira
Yamuyam - tira-tira o "left-over"; katulad rin ng "yamas-yamas"
Yapos - yakap
Walandyo – ekspresyon ng mga taga Alfonso; katulad ng walastik
Walastik - ekspresyon ng mga taga Alfonso; katulad rin ng "walandyo"
Wanklik - paputok na gamit ang pulbura na gawa sa gripo; "one-click"
Weneklek - buhok sa palibot ng "nipple" ng lalaki o babae

Yung mga kulang ay akin na laang idadagdag. Pwede naman ahuy i-update..