Tuesday, August 20, 2013

Always wear your helmet

"Always wear your helmet"

Yan ang palaging paalala sa mga motoristang mahilig sa single motorcycles.

Kapag gusto, may paraan. Kapag ayaw, may dahilan.

Maraming dahilan ang mga motorista wag lang makapagsuot ng helmet.

"Mahal ang helmet" >> pero nakakabili ng "mamahaling" motor. Mas mahal ang helmet kesa sa motor? siguro..

"Magugulo ang naka-gel kong buhok" >> nyehehe.. aminin nio guys, marami na ito ang dahilan kaya ang "mamahaling helmet" ay siko ang hinehelmetan..

"Abala sa pagmamaneho. Di ako makakita ng maayos" >> Kelan pa naging abala ang hlmet sa pagmamaneho?  Siguro kung nakasabit ito sa side mirror o sa siko mo..

"Malapit lang naman ang pupuntahan ko" >> Ayun, paglabas na paglabas ng bahay, nahagip ng nagmamadaling jeep... Puro galos ang mukha.. Ngayon, nag-iisip ka na "sana naghelmet na lang ako"..

Meron din naman na naka-helmet nga pero hanggang noo lang nakasuot.. Ewan ko rin, di ko maintindihan kung bakit.. hehehe..

Pero ang classic ay yung ang helmet ay nasa siko.. Iniingatan yata na magalusan ang siko nila..

Invest for your safety.. Magkano lang ang helmet compared sa gagastusin mo sa ospital kung sakaling madidisgrasya ka, di ba?

Hmnn.... Nasaan nga ba helmet ko?

No comments:

Post a Comment