Sa panahon ngaun na puro technological gadget na ang alam na laruin ng mga bata, napakasarap balikan ang mga laro noon, di ba?
Isa ang larong ito na mabenta sa aming magkakaklase.
Kampihan rin ang larong ito. As usual, kailangang ipunin ang mga tsinelas para gawing "base".
Habulan at tayaan naman ito. Kapag nataya ka ay pupunta ka sa base ng kalaban bilang preso nila.
Natural, kailangan kang mailigtas ng mga kakampi mo sa pagtapik sa kamay mo ng hindi natataya ng kalaban ang kakampi mo. At dahil binabantayan ka ng mga kalaban na para silang mga security guard, marahil dito nanggaling ang pangalan ng larong ito. Make sense di ba?
Sikyu = tagalong word; pinaikling salita ng security guard
Kung sinong team ang unang maubos, sila ang talo. Simple di ba?
May "rule of the thumb" rin dito. Kung sino ang unang umalis sa "base" siya ang pwedeng hulihin o tayain.
Halimbawa. Ako at ikaw, magkalaban tayo. Nauna kang umalis sa "base" mo, pwede kitang habulin at tayain pero hindi mo ako pwedeng tayain, ok? Vice versa naman pag ako naman ang naunang umalis ng beys ko.. Pero pwede mong tayain ang mga kakampi ko na naunang umalis ng "base" kesa sa'yo.
Kailangang tandaan mo kung sino-sino ang mga naunang umalis sa beys ng kalaban para maiwasan ang dayaan.. hehe.. Paliksihan ang labanan dito. Kelangan matulin kang tumakbo at may kasamang diskarte.
Pinakamabilis sa klase naming nuon si Adrian. Pinakamaliit si Reneboy pero maliksi.. Boys vs Girls kaya lang may partida. Kumukuha sila ng ibang boys bilang team mate nila..
Masayang laruin ang mga laro noong bata pa ako.. Maraming “interactions” at marami kang nagiging kaibigan..
No comments:
Post a Comment