Minsan na nag-uusap kaming dalawa ng makulit na bata.
Napansin ko na...
Neil: Syd, nasaan na ang "po" mo? di ba ang sabi ko ah lagi kang gagamit ng "po"pag may kausap kang matanda? Maliwanag ba?
Sydney: Oo po!
Neil: yun laang... XD
Sunday, August 14, 2011
Usapang Sydney (reloaded)
Syd: Tay. tingnan mo ang daming vetsin..
Neil: Vetsin???
Syd: Eto po oh.. (pinakita niya sa akin yugn mga 25 centavos)
Neil: Wahahaha!!
Kumuha ako ng isang piraso.. Tinanong ko siya.
Neil: Ano ito?
Syd: vetsin
Neil:.pfft..!! wahaha
Syd:sige hati po tayo.. vetsin mo, vetsin ko
Neil: Ahaha! beintesingko, anak!

Saturday, August 13, 2011
Usapang Sydney (reloaded)
Dito nag-umpisa ung mga hirit ng lukutoy na si Syd..4 yrs old cia nun..
Syd: Nanay, I love you..
Zette: Di man totoo yan..hmf..
Syd: Totoo, mahal kita nga eh!!!
Zette: Kung mahal mo ako eh bakit lagi mong pinasasakit ang ulo ko?
Syd: eh di uminom po kayo ng biogesic, para hindi na sumakit ang ulo mo!
Neil: Aha! ^_^

Monday, July 25, 2011
SONA ni P-noy... After thoughts...
Daming protesta sa ikalawang SONA ni P-Noy..
Ang baba ng bigay nilang grado.. Bagsak raw..
Panay ang hanap nila ng "visible" na pagbabago...
Wala raw nagyayari.. Walang raw nagagawa.. Sayang raw ang boto..
Unang-una, hindi ako maka P-noy... Hindi ko siya idolo at lalong hindi niya ako tuta...
Pero nakakasawa at nakakatawa na ang ating mga kababayan.. Ano ang magagawa ng kanilang mga protesta? Ano ang magagawa ng kanilang "over-acting" na pagpapapansin?
Lalo lang tayong nagiging katawa-tawa sa paningin ng ibang bansa..
Tsk...tsk..tsk...
Ano pa ang hinahanap nila? Himala? My goodness naman.. Isang taon pa lang naka-upo ang tao...
Wala pa rin daw makakain sa hapag-kainan ng mga Pilipino..Wala pa rin daw trabaho...
Wala pa rin daw pagbabago... Wala pa ring.. ah ewan... Ako nga rin, wala pa rin...
WALANG MAKAKATULONG SA ATING SARILI KUNDI TAYO RIN..
Sabi nga ni Donya Buding na biyenan ni John Puruntong - "Magsumikap ka!"
Iwasan natin ang "SPOON FEEDING"...
Alam nyo na siguro kung ano ang spoon feeding? Kung hindi pa, i-google mo.. Wag hintaying isubo pa ang sagot.. Getz?? Hindi tayo mga bata na kailangan pang subuan...
Ang kinabukasan natin ay wala sa balikat ng Pangulo.. Ito ay nasa balikat ng bawat isa sa atin..
Andyan lamang siya upang maging gabay.. Tayo pa rin ang gagawa ng ating "TUWID NA DAAN"..

Sunday, July 24, 2011
Historical Background of the State of the Nation Address
A repost from gov.ph. The official Gazette of the Philippine Republic..
July 25, 2011 marks the second State of the Nation Address of President Benigno S. Aquino III. He will be addressing the 15th Congress as it embarks on its Second Regular Session.
The delivery by the President of the Philippines of the State of the Nation Address (SONA) is a yearly tradition wherein the President reports on the status of the country, and may also propose to Congress, before which the address is delivered, certain proposals for legislation that are believed to be necessary. Article VII, Section 23 of the 1987 Constitution mandates that “[t]he President shall address the Congress at the opening of its regular session.”
The SONA as an annual practice began during the Commonwealth of the Philippines. The 1935 Constitution, as amended, states in Article VII, Section 5 that “[t]he President shall from time to time give to the Congress information on the state of the Nation, and recommend to its consideration such measures as he shall judge necessary and expedient.” Thus, the annual address to the legislature became known as the State of the Nation Address.
The opening of the sessions of the National Assembly was fixed, pursuant to Commonwealth Act No. 17, at June 16 of every year. The first SONA was delivered by President Manuel L. Quezon at the Legislative Building on June 16, 1936.
Commonwealth Act No. 49, on the other hand, amended CA No. 17 and designated the 16th of October as the date of the opening of the regular sessions of the National Assembly. Since this fell on a Saturday in 1937, the second SONA was delivered by President Quezon on October 18, 1937.
With the approval of Commonwealth Act No. 244 on December 10, 1937, the date of the opening of the regular sessions of the National Assembly was again moved to the fourth Monday of every year, starting in 1938. President Quezon delivered his last State of the Nation Address on January 31, 1941, as he would already be in exile the following year due to the Japanese occupation of the country.
President Jose P. Laurel of the Second Philippine Republic was able to deliver his first and only message before the special session of the National Assembly, led by Speaker Benigno Aquino, Sr., on October 18, 1943, four days after the Republic was established. This also took place in the Legislative Building, Manila. However, Laurel, who was one of the delegates who drafted the 1935 Constitution, pointed out in his Address that the 1943 Constitution did not provide for a report to the legislature on the state of the nation. His message before the assembly therefore, is not included in the roster of SONAS.
With the defeat of the Japanese and the re-establishment of the Commonwealth Government in the Philippines, the Congress of the Philippines, now a bicameral body, convened on June 9, 1945—the first time since their election in 1941. During this special session, President Sergio Osmeña addressed the lawmakers at their provisional quarters at Lepanto Street in Manila, and gave a comprehensive report on the work carried out by the Commonwealth Government during its three-year stay in Washington, D.C. Furthermore, he described the conditions prevailing in the Philippines during the period of enemy occupation and an acknowledgment of the invaluable assistance rendered by the guerrillas to the American forces in the liberation of the Philippines.
The last State of the Nation Address under the Commonwealth of the Philippines was delivered by President Manuel Roxas on June 3, 1946. After the establishment of the independent Republic of the Philippines on July 4, 1946, the State of the Nation Address was to be delivered on the fourth Monday of January, pursuant to Commonwealth Act No. 244, starting with President Roxas’ address to the First Congress on January 27, 1947.
Starting in 1949 the address was held at the reconstructed Legislative Building. Only once did a president not appear personally before Congress: on January 23, 1950, President Elpidio Quirino, who was recuperating at the Johns Hopkins Hospital, delivered his State of the Nation Address to the joint session of Congress, beamed through RCS in the United States and picked up by the local radio network at 10:00 a.m. in the morning just in time for the opening of the regular congressional session.
The January tradition was continued until 1972. From 1973 to 1977, the State of the Nation Address was delivered on the official anniversary of the imposition of martial law on September 21 of each year (official, because martial law was actually imposed on September 23, 1972), and since Congress was abolished with the promulgation of the 1973 Constitution, these addresses were delivered before an assembly either in Malacañan Palace or at the Luneta, except in 1976 when the address was given during the opening of the Batasang Bayan at the Philippine International Convention Center.
President Marcos began delivering the SONA at the Batasan Pambansa in Quezon City on June 12, 1978 during the opening session of the Interim Batasan Pambansa.
From 1979 onwards, the SONA was delivered on the fourth Monday of July, following the provisions of the 1973, and later, the 1987 Constitutions. The only exceptions have been in 1983, when the SONA was delivered on January 17 to commemorate the anniversary of the ratification of the 1973 Constitution and the second anniversary of the lifting of martial law, and in 1986 when President Corazon C. Aquino did not deliver any State of the Nation Address.
With the restoration of Congress in 1987, President Corazon Aquino was able to deliver her State of the Nation Address at the Session Hall of the House of Representatives in the Batasan Pambansa Complex, Quezon City. Presidents Corazon C. Aquino, Fidel V. Ramos, Joseph Ejercito Estrada, and Gloria Macapagal-Arroyo all delivered their State of the Nation Addresses in the same venue.
On July 26, 2010, President Benigno S. Aquino III delivered his first State of the Nation Address. It was the first SONA in history delivered entirely in Filipino.
The President of the Philippines appears before Congress upon its invitation, for which purpose a Joint Session is held in the Session Hall of the House of Representatives. Congress issues tickets and all preparations are undertaken with Congress as the official host.
Both houses convene in Joint Session assembled, and then direct a committee composed of members of the Senate and the House of Representatives, to escort the President of the Philippines to the Session Hall to deliver his message.
The lifespan of each Congress begins and ends with the election of members of the House of Representatives, i.e., three years. The lifespan of a Congress is subdivided, in turn, into three Regular Sessions, each corresponding to a calendar year. The SONA, then, also marks the opening of each Regular Session of Congress.
The number of each Congress—for example, the present 15th Congress—is based on how many Congresses were held since independence was achieved on July 4, 1946. Thus the last (Second) Congress of the Commonwealth of the Philippines became the First Congress of the Republic of the Philippines. This count was maintained up to martial law. With the restoration of the bicameral legislature in 1987, it was decided to maintain the count, taking up where the last premartial law Congress left off. Thus, the last Congress under the 1935 Constitution was the Seventh Congress, and the first Congress under the 1987 Constitution became the Eighth Congress. The 15th Congress will last until June 30, 2013.
Wednesday, July 20, 2011
The President's SONA 2011
Sa darating na Hulyo a-25, 2011, magaganap ang pangalawang SONA ng ating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III..
Isa na namang ulat sa nakaraang isang buong taon ng kanyang pamamahala..
Kung ating babalikan ang unang SONA ng pangulo..Inilahad at nilisa ang mga problema na iniwan ng nagdaang administrasyon..Naglatag ng mga palno upang masolusyunan ang mga ito.. Tayo na sa "tuwid na landas" wika nga niya..
Isang pangarap lang kaya?
Sa ikalawang SONA, inaabangan ng mamamayang Pilipino kung anu-ano na nga ba ang kanyang nagawa..
Hahanapan natin siya ng "report card"..
Tuwid na landas.. Natatanaw na nga ba?

Saturday, June 4, 2011
Tutorial: Paano itago ang Status Update mo sa ibang tao??
Konting tutorial muna tayo..
Gusto mobang itago ang "status update mo" sa Facebook mula sa ibang tao? May status ka bang ayaw mong mabasa ng kagalit mo? O baka magselos ang girlfriend mo? Try this..
Kapag ginamit natin ang General privacy setting, pwede nating mapili kung "everyone", "just friends" o "friends of friends" ang pwedeng makakita ng ating status updates..
Alam mo ba na pwede pa nating paliitin ito at itago ang status mo from specific friends? (Friend mo sila pero ayaw mong mabasa niya ang status mo, bakit? hehehe)
Pwede mong mapili kung sino lang ang pwedeng makakita ng status mo.. Mabuti ito lalo na kung may binabalak kang surprise party o kaya naman ay related sa work ang status mo..
Step 1: Click the "what's on your mind" box... May lalabas na padlock icon sa ilalim nito.
Step 2: Click the padlock icon.. May lalabas na drop down menu. Piliin ang "customize" option.
Step3: Click Customize.. Kapag pinili mo ito, maglalabas pa ng option na "make this visible to" at "hidden from"
There you go.. Isa pong tip para sa mas episyenteng paggamit ng facebook..
Enjoy lang!

Wednesday, June 1, 2011
Bata! bata! Paano mo ginawa??
Oops! Ops! Ops! Wag madumi ang isip! Hindi related sa paggawa ng bata ang blog kong ito.. hehehe Tungkol ito sa mga ugali natin nung bata pa tayo.
Lahat naman tayo eh dumaan sa pagkabata di ba? (Putek! Obvious naman, tinatanong pa, san pa ba tayo galing?)
Dedicated ang blog na ito sa mga batang late 70’s, 80’s at 90’s.. Yung mga tinatawag nating "old school".. (nice, meron bang new school? wala naman yata..)
Nung ikaw ay bata pa.. Ginawa mo ba ang mga ito?
- Nagpipitpit ka ba ng gumamela para gawing soapy bubble at magpalobo?
- Kung oo ang sagot mo sa unang tanong, gumamit ka ba ng pinutol na dahon ng papaya para magpalobo? Ginamit mo rin ba ang alambre para gawing hugis bilog at magpalobo?
- Nagpipilitan kayo ng nanay mo na matulog ka sa hapon para lang matulog? Kunwari nga matutulog pa para lang makalusot?
- Kabisado mo ang kantang “Alagang- alaga namin si Puti” at “Tinapang Bangus”
- Alam mo kung para saan ang up, up, down, down, left, right, left, right, a, b, a, b, select, start?
- Alam mo kung ano ang “Time Space Warp” at kabisado mo ang chant para dito.. Minsan sinasabayan mo pa ng sayaw..
- Nakahawak ka na ng 5.25” Floppy disk
- Adik ka sa Bioman, shader, carebear, rainbow bright, maskman, black rider mask, at ewoks.
- Kilala mo si “lilipad, lilipad, takure!”
- Paborito mo ang shaider hindi dahil sa magaling sumipa si Annie.Kundi dahil nabobosohan mo ang puting panty niya twing sinisipa niya ang kalaban.
- High-tech ka na noon pag may Atari o kaya ay family computer ka.
- Alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng puno para bumili ng panty... and syempre, alam mo rin kung ano ang binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?
- Paborito mong ngatngatin ang Bazooka, Texas at Tarzan tapos ididikit mo sa mga butas ng bubong niyo..
- Alam mo yung kending hubad o pandelimon ang tawag..
- Alam mo kung ano ang betamax..
- Lumaki ka sa kantang “Tong, tong, tong, tong, pakitong-kitong” na hanggang ngayon ay naniniwala ka na nangangagat nga ang alimango.. Diba’t naninipit lang yun?
- Nakatawag ka na sa payphone na gamit ay tatlong beintesingko lang..
- Alam mo yung mga komiks na Aliwan, Wakasan, Filipino at Funny komiks.
- Sinisipsip mo yung nectar ng santan.
- Pinaglalaban mo yung dalawang langgam na hantik pagkatapos mo tanggalan ng antenna o sungay.
- Nagkaroon ka ba ng mahabang lapis na naliliko o bendable?
- May stationery collection ka..
- Mahilig kang magpapirma ng slum notes dahil gusto mong malaman kung sino ang crush ng crush mo..
- “Aquanet” ang gamit nio noon para pataasin ang bangs nio..
- Alam mo ang mga larong patintero, taguan, telebers telebers, piko at luksong baka..
- Kapag tinanong ka kung ano ang sabong panlaba nio, sasabihin mo “Ajax”!
- Alam mo kung ano ang Game & Watch at brick game
- Alam mo kung pano mag-100 up lives sa super Mario..
- May wooden trolleys ka ba noon? Yung kahoy na ang mga gulong ay gawa sa bearings?
- Binabaon mo salupa ang mga teks mo dahil gagamitin mo pa ito next year..
- Naniniwala ka na nanganganak nga ang “kisses” kapag binalot sa bulak.. Lalagyan mo pang ng baby oil para mabilis manganak..
- Nakakain ka na ba ng “aratiles”?
- Ginagawa mong yoyo ang bayugo?
- Naglaro ka ba ng bahay-bahayan? Nanay-nanayan at tatay-tatayan?
- Luto-lutoan? Gamit pitsa ng softdrink tsaka kandila sa pagluluto?
- Pinapagulong at hinahabol mo rin ba ang lumang gulong ng mga motor habang pinapalo ito hanggang sa mapagod?
- Ginagawang kotse-kotsehan ang lumang bote ng alcohol..
- Naglalaro ng baril-barilan na ang playground eh ang buong baranggay nio?
- Pag-uwi mo ng alas sais ng gabi, sinasabihan ka ng Nanay mo na “Gabi na amoy araw ka pa rin, hala! Maligo ka nga!”
- Marunong kang mag-sungka..
- Alam mo kung ano ang kadang-kadang.. Minsan gawa sa kawayan, minsan sa bao..
- Nagkaroon ka ng sapatos na mighty kid..
- Kumain ka na ba ng nutribun na may palamang cocojam?
- Kumukuha ka rin ba ng dahon ng balinghoy/kamoteng kahoy at gagawin mong kwintas o bracelet?
- Kinalog mo na rin ba sa kamay ang watusi na may sindi?
- Naglalaro ka rin ba ng sipa na gamit ay tingga at plastic?
- Gumawa ka na rin ban g saranggola na ang pandikit ay kanin?
- Siempre , alam na alam mo rin ang Voltes 5 at kilala mo ang mga pangalan ng members nito..
- Alam mo kung ano ang bayag-kambing at kung para saan ito..
- Alam mo kung ano ang bayag-kambing at kung para saan ito..
Nakakatuwang balikan ang nakaraan, ano po?
Wednesday, April 13, 2011
Larong "Sikyu"
Another never heard na laro ano po?
Sa panahon ngaun na puro technological gadget na ang alam na laruin ng mga bata, napakasarap balikan ang mga laro noon, di ba?
Isa ang larong ito na mabenta sa aming magkakaklase.
Kampihan rin ang larong ito. As usual, kailangang ipunin ang mga tsinelas para gawing "base".
Habulan at tayaan naman ito. Kapag nataya ka ay pupunta ka sa base ng kalaban bilang preso nila.
Natural, kailangan kang mailigtas ng mga kakampi mo sa pagtapik sa kamay mo ng hindi natataya ng kalaban ang kakampi mo. At dahil binabantayan ka ng mga kalaban na para silang mga security guard, marahil dito nanggaling ang pangalan ng larong ito. Make sense di ba?
Sikyu = tagalong word; pinaikling salita ng security guard
Kung sinong team ang unang maubos, sila ang talo. Simple di ba?
May "rule of the thumb" rin dito. Kung sino ang unang umalis sa "base" siya ang pwedeng hulihin o tayain.
Halimbawa. Ako at ikaw, magkalaban tayo. Nauna kang umalis sa "base" mo, pwede kitang habulin at tayain pero hindi mo ako pwedeng tayain, ok? Vice versa naman pag ako naman ang naunang umalis ng beys ko.. Pero pwede mong tayain ang mga kakampi ko na naunang umalis ng "base" kesa sa'yo.
Kailangang tandaan mo kung sino-sino ang mga naunang umalis sa beys ng kalaban para maiwasan ang dayaan.. hehe.. Paliksihan ang labanan dito. Kelangan matulin kang tumakbo at may kasamang diskarte.
Pinakamabilis sa klase naming nuon si Adrian. Pinakamaliit si Reneboy pero maliksi.. Boys vs Girls kaya lang may partida. Kumukuha sila ng ibang boys bilang team mate nila..
Masayang laruin ang mga laro noong bata pa ako.. Maraming “interactions” at marami kang nagiging kaibigan..
Tuesday, April 12, 2011
Arindahan
Never heard ano po? This is one of the favorites noong elementary days ko.Nilalaro bago mag-start ang klase, recess, lunchbreak, recess ulit at bago umuwi sa hapon.
Agawan ito ng bola. Ang bolang ginagamit sa larong ito ay "tennis ball".
Maihahalintulad ito sa "American football". Balyahan, tulakan, daganan, minsan kurutan at minsan pag maluwag-luwag ang short mo eh may kasama ring hubuan!
Nilalaro sa isang playground o malwak na lugar.
May magkalaban na grupo. Kampihan ang drama dito.
Lahat ng tsinelas ay iipunin upang gawing "base" (beys)..
Magsisimula ang laro sa paghagis ng bola at kapag nasalo ito ng kalaban. Dun pa lang nag-uumpisa ang saya!
Okey nasalo na ng isang team ang bola. Kailangang maagaw ito ng isa pang team sa kahit anong paraan (well, hindi naman sa kahit ano eh pwedeng gawin, may rules pa rin!) bago mai-touch down ang bola sa "base" ng kalabang team.
Ang masaya dito ay ang aktwal na agawan ng bola. Nagmimistulang WWF Royal Rumble ang mga lukutoy.
Daig ang stampede sa ultra noon! haha
Opps! walang kurutan ng kamay! Dayaan yon!
Nampucha! Si Gilbert! Hinubuan ako ng salawal! Nakakahiya tuloy kay Janice!
Kapag naagaw ang bola kailangang mai-touch down sa "base" ng kalaban para umiskor.
Paalala: Hindi pwedeng sumayad sa lupa ang bola. Kapag nangyari yon, awat ang royal rumble. Umpisa na naman ng saluhan ng bola!
Sumasali rin ang mga babae noon. Wala naming malisya kahit nakabikaka na ang palda sa pag-agaw ng bola. Basta ang importante ay mahalaga, este, masaya ang laro naming magkakaklase.
Wednesday, April 6, 2011
Ang Matanda sa Jollibee..
May tindahan ng gulay ang nanay ko noon. Sa Divisoria pa siya namimili ng mga paninda tuwing biernes. Kapag bakasyon na sa ekwela madalas ay isinasama niya ang isa sa aming magkakapatid para mamili at maging bantay na rin sa mga gulay na nabili niya..Ang dami kasing mandarambong sa Divisoria..
Siyempre bata pa ako noon at madaling magutom..Kapag bata, isa lang ang alam na fastfood chain di ba? Ano fa nga ba? Eh di "Jollibee!!"..
Okey, pagkatapos ng konting pilitan kay Nanay ay napapayag ko rin siya..
Sa may entrance ng Jollibee, may nagtitinda na matandang babae sa gilid nito.. may isang malaking lalagyan kaso may takip tapos ang baho pa niya!
So ako, curious sa tinitinda niya..
Ako: um.. Lola.. Ano po yung tinitinda niyo?
Mysterious Woman: Bakit!? Bibili ka ba!? (Pasigaw)
Aba, edi nagulat ako.. tapos nilapitan ko nanay ko, tapos sabi ko itanong if ano yung tinitinda nung ale..
Mama: Magandang umaga po.. Nay, ano po ba yung tinitinda niyo?
Mysterious Woman: Bakit!? Bibili ka ba!? (Pasigaw)
nagulat din nanay ko, sabi sa akin wag na raw namin kausapin o bumili sa kanya kasi masungit nga..
so pumasok na kami sa loob ng Jollibee.. tapos may nakita ako na babae na nagtanong dun sa nagtitinda.. siguro sinungitan din kasi pagpasok niya sa Jollibee, sinumbong niya yung tindera sa Guard..
Lady: Chief, paalisin niyo po yung tindera sa harap ng store niyo kasi ang baho, baka may magreklamo at makarating sa manager niyo, ikaw ang malalagot..
Sekyu: Opo Madam.. Salamat po..
Pinaalis ng guard yung nagtitinda sa pwesto niya.. Nagdadabog ang matanda na nagligpit at parang may sinasabi sa guard..
Tumawid siya sa kabilang kalsada ng biglang...
KA-BLAG!!!! Nasagasaan ang matanda ng rumaragasang jeep na papunta sa palengke ng Divisoria..
Tumilapon lahat ng paninda niya sa kalsada.. mabuti at hindi siya tinakbuhan ng nakasagasa kasi dinala naman siya kaagad sa Hospital..
Kaawa-awang matanda.. nagkalat tuloy yung paninda niya sa kalsada.. as in.. tsk! tsk!

It's about helping others and not expecting something in return..
First thing first, I did not create this blog for the purpose of boasting the deeds I've done.
I am merely sharing it for the readers to enjoy. If they pick up a lesson or two from it, then it is a bonus..
This is nothing compared to what others can do. But isn't the great ocean started from a single drop of water?
I am one but still I am one.. I cannot do everything but I can do something..
One hot afternoon, I am on the way to my much needed lunchbreak, I happen to pass by these group of motorcycle guys having difficulty on removing the castellated nut in one of their bikes. They obviously have a flat tire.
I can see that they are having a hard time for they do not have the right tools to do the job..
My first thought was "Hey, why do I care? There's already seven of them there". So I went on my way and get my meal.
After I am done eating, they are still there discussing and messing it up under the hot sun.
So I butt my ass in and see what the problem was.
After inspection, I went to my bike and fetch the tools needed. I also bring one of my trusty fellow employee to help..
To make it short, I managed to get the nut removed (after a few cussing..)
The guys were thankful.
I told them that they already repaid me if they also help someone who obviously needed help.
A guy offered a drink. I refused. I just ate my lunch, right?
The essence of helping other people is not actually waiting for something in return..
Expecting something from people you helped will defeat that purpose..
Have a blessed day everyone!

Ang Parrot ni Carlos
Hindi ko original na script ito.. Napulot ko rin lang sa kung saan saan ako dalhin ng aking daliri at computer. I find it very funny and would like to share this with you..
Isa itong phone call ng isang katiwala sa kanyang amo tungkol sa namatay niyang alaga..ang Parrot..
KATIWALA: Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, 'yung katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo.
CARLOS: O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May problema ba?
KATIWALA: Uhm, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga niyong parrot.
CARLOS: 'yung parrot kong si Pikoy, patay?! 'yung nanalo sa bird show?!
KATIWALA: Opo, Master Carlos, 'yun na nga po.
CARLOS: Putris... sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong 'yon. Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?
KATIWALA: Eh, kumain po kasi ng bulok na karne...
CARLOS: Bulok na karne??? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanya ng bulok na karne?!
KATIWALA: W- Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo.
CARLOS: Patay na kabayo??? Anong patay na kabayo, Arnaldo???
KATIWALA: Eh, 'yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig.
CARLOS: Nasisiraan ka na ba ng bait?! Anong kariton ng tubig???
KATIWALA: 'yun pong pinampatay namin ng sunog.
CARLOS: Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi mo???
KATIWALA: 'yun pong halos tumupok sa bahay niyo. Tumumba po 'yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung kurtina at mabilis na kumalat ang apoy.
CARLOS: Ano?! Oh My God...... Eh, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan, ah. Para saan 'yung kandila???
KATIWALA: Para sa burol po.
CARLOS: Ano!? Kaninong burol???
KATIWALA: Sa nanay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito nu'ng isang gabi, walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw. Binaril ko po patay!!!

Tuesday, April 5, 2011
Summer na naman! Apir!
Tapos na ang Graduation month… Welcome Summer!!
Yeah! Summer na naman. Sa mga mapuputi dyan, magpapaitim ba kayo ng balat o magpapaputi na lang ng bubong? Sa mga nognog naman na gaya ko, olrayt! IN na naman ang kulay natin! Apir!
Anong konekyon ng pagpapaitim ng balat sa blog ko? Wala! Another topic yun. Blog ko to eh. Either you enjoy or be annoyed. ^_^
Ang summer ang hinihintay ng mga batang edad sampu pataas (well, yung iba siguro). Syempre, ito ang summer kung saan sila ay magiging binata na. Tulian na! Bawal ang supot!
Ano nga ba ang “tuli”?
Ito ay isang procedure kung saan kailangang hiwain ang dulo ng balat ng "Butoytoy" ng batang lalaki para lumabas ang ulo(?) nito. Kadalasan ay hygienic ang purpose nito. Mabaho kasi ang kupal. Aasarin ka pang supot ng mga kalaro mo.
Pwede kang magpatuli sa doctor, pero mas matapang at astig ka raw pag sa “de pukpok” ka lang nagpatuli.
Mas masaya kapag “de pukpok” lang (ano kayang masaya run eh, tutuliiin na nga?).
Well, pwede mo isama ang mga kalaro mo at sabay sabay na kayong magpatuli. O di ba? Parang fraternity lang? Walang iwanan.
Naalala ko tuloy nung nagpatuli ako..hehehe.. Alas-sais pa lang ng umaga eh nasa ilog na ako at nagbababad sa tubig. Mas lalambot daw kasi ang balat at mas madaling tuliin. Hindi raw masyadong masakit..
Okey, matapos maglangoy na parang palaka at magbabad na parang kalabaw, bitbit ang dalawang kaha ng yosing Champion (yun lang ang bayad sa tuli nuon) at isang sanga ng dahon ng bayabas, larga na kami ng pinsan ko at mga kalaro kay kakang Faran (RIP).. Si kakang Faran ang sikat na manunuli sa baryo namin noon. Taga Marahan, Alfonso, Cavite nga pala ako..
Alam nyo bang nung nabubuhay pa yun eh hindi kumakain ng karne yun? Pero katoliko naman..Bakit kaya? Hmn..
Balik tayo sa tulian.. Napapalayo tayo ng usapan eh.. Oras na ng tulian, bago umupo sa harapan ni kakang Faran, dapat ay ngumunguya ka na ng bubot na dahon ng bayabas, ito ang gagamitin mo para idura sa “Butoytoy” mo pagkatapos mong tuliin. Panglanggas..
O siya, upo na sa trono at ipasok na ang lukaw si "Butoytoy”. Pagkatapos ay papatingalain ka para di mo makita ang gagawing pagtuli sa’yo.
Tatlong hiwa. Ramdam na ramdam ko yon! Tatlong hiwa ang ginawang pagtuli ni kakang Faran sa akin.Ang sabi ay minamarkahan pa lang niya ng kuko! Yun pala ay yun na yon!
Pagkatapos tuliin, inutusan ako ni kakang Faran na idura sa “Butoytoy” ko yung dahon ng bayabas.
Wala na akong idudura. Nalunok ko na eh! T_T
Dahil wala na akong idudurang dahon ng bayabas, inutusan na lang ako ni kakang Faran na tumakbo para daw madaling tumigil ang daloy ng dugo.
Ang ginawa ko, umupo ako sa tabi. Nakakahiya kayang tumakbo ng nakahubo. Tapos may mga nanonood sa’yo..
Kabilin-bilinan ni kakang Faran.. Langgasin araw-araw ng pinakuluang dahon ng bayabas, budburan ng dinurog na inihaw ng dahon ng langka at WAG NA WAG IPAPAKITA SA BABAE!
Bakit???
Ang paglanggas sa sugat ng tubig na pinukaluan sa dahon ng bayabas ay mabisa para hindi ma-tetano.
Ang paglalagay ng pinulbos na inihaw na dahon ng langka ay mabisa para agad na gumaling ang sugat. (Pwede rin kaya ito dun sa sugat na hindi gumagaling?) ^_^
Wag ipapakita sa babae ang bagong tuli mo dahil MAGKAKAMATIS ito!
Okey, pagkatapos ng tulian, paika-ika ang lakad pauwi.. Syempre, nararamdaman na ang sakit. Pero nakangiti dahil binata na si Ako! Yeba! Hindi na ako kakantyawan na “supot” ng crush ko..bwahaha!
Subscribe to:
Posts (Atom)